Gigil ako sa tawag nang tawag na hindi muna nagcchat.
Meron akong FB friend (former OJT workmate) na matanda na around 50+ na. Tumatawag ng alas onse ng gabi ng walang abiso o context man lang.
Ang nakakainis pa ay "nakikisuyo" raw. Eh ano ba yung ipapakasuyo kung chinachat mo sana edi nasasagot ko agad.
Tinuturing kong me-time ang 9pm onwards at hindi ko inoobliga ang sarili ko na magreply sa kahit na kanino dahil pagod ako lagi sa trabaho.
Kinabukasan, tumawag ulit at sabi ko nasa work ako. Nagreply "maya po".
Yun pala magpapatulong lang sa automation sa excel. Isang taon na ako graduate, may mga bagong OJT doon ako pa rin ang hinahanap.
Buti ba kung sinahuran kami nung OJT eh hindi naman, kami pa nagpakain sa last day. 🤦♂️