Grabe naman kayo saming millennials

Kahapon nag-uusap ng ipapatugtog itong mga kasama kong mga gen z. Tapos may nagbanggit ng taylor swift. Sabi wag daw kasi may kasamang senior. Joke lang naman yun pero mas nawindang ako kesa natawa. Excuse me lang high school pa lang ako 15 years ago pinapakinggan ko na si taylor no? Di na ako fan kasi naumay na pero kilala ko yan jusq. Kayo nga di nyo kilala si Chappelle Roan eh. Pinapakinggan ko rin naman mga new artists ngayon puro Olivia Rodrigo nga nasa receiptify ko (kahit di na ako nakakarelate sa lyrics LOL).

Nakakatawa pa sa kanila tuwing sinasabi kong 30 na ako walang palya talaga silang magugulat, sasabihing di ako mukhang above 25. Walang palya kapag gen z pinagsabihan ko ng edad ko alam ko na ano isasagot nyan. Ano bang akala nyo sa mga nasa 30s, puro wrinkles na? Either people pleaser kayo or di nyo talaga alam itsura ng mga nasa ganitong edad. At most 10 years lang agwat natin hindi 50 😭 Feeling ko ang tanda tanda ko na. Nasaan na ba mga ka-edad ko bakit pabata nang pabata mga nakakasama ko sa work?

Pagod na akong maging ate gusto ko lang naman sa mga kaedad ko para kung mag-asaran kami sa edad lahat mao-offend hahaha