Parang walang pakealam papa ko sa mama ko

My dad retired 3 years ago. Sabi nya during his retirement party held sa office nya "sobrang busy ko sa work, since mag reretire na ako, kailangan ko bumawi and spend time with my family". No he didn't do that; instead he went to his hometown built a house, maliit na coop for the chicken, tsaka gumawa sya ng maliit na fish pond. Farm yung hometown nya na nasa Visayas while kami ng mother ko nasa Mindanao. May tindahan mama ko noon sa ibang city kung san ako nag aaral ng from elementary hanggag college but since kailangan kong umuwi sa hometown ko kasi dun ako na assign for OJT sumama na rin mama ko at giniveup namin yung nirerentahan naming bahay doon kasama nung maliit nyang tindahan. My dad had cheating issues, he hooked up with a girl na nagrerent sa boarding house namin. Not once kong nakita but marami and yung isa pinapadalhan pa nya ng allowance noon (ginawa syang sugar daddy). Meanwhile ako pahirapan akong humingi ng allowance sakanya. 1k lang binibigay nya sa akin pag may review ako kasali na dito yung pangbayad ko sa bus papuntang review center, kapag wala akong review wala din ako allowance. Yung mama ko hindi pa dumating pension nya kaka 60 nya lang. Yung papa ko hindi nya na binibigyan ng allowance yung mama ko, never nya talaga binibigyan mama ko at Hindi ko talaga magets kung ako ba reason nya.

Nung October nagkasakit mama ko, nag iba ugali nya. Nung umuwi ako sa bahay na may dalang pagkain nagalit sya sinabihan nya akong "bakit ka ba kasi bumibili bili ng ganito", na istress ako kasi kagagaling ko lang mag review tapos ang layo pa ng RC ko. Hinayaan ko nalang sya kasi alam ko may sakit sya pero grabe yung impact sakin nun at nawalan na akong gana mag review (kasi yung pera na pinambili ko ng ulam ay tinipid ko from monday to friday para lang may mauwing ulam). Tpos umabot sa punto na hindi na makalakad mg maayos mama ko kaya sinabihan ko papa ko about it pero parang wala syang pakealam. Kaya after weeks nun pumunta kami ng hosp para magpacheck up kahit wala akong kadala dalang pera. Mataas sugar ng mama ko mataas din uric nya kaya masakit ang kanyang joints at hirap maglakad. After nun nag suggest ng glucometer yung doctor para ma monitor namin yung sugar ng mama ko (kaso wala pa ako pera talaga) so yun humingi ako sa papa ko pero ang reply nya lang ay "di na yan kailangan, may maintenance na naman sya eh." nagulat ako kasi bakit ganun² nalang sya mag reply. E dapat nga kamustahin nya pamilya nya dito na halos wala nang kakainin wala na rin pangbili ng gamot. Hindi nya kinukumusta mama ko. Hindi rin nya ako kinukumusta kahit man lang sa chat kahit umabot pa yan ng ilang months kaya siguro umabot sa point na yung mama ko ay palaging nag se-self blaming, nang guiguilt trip.

Basta yun lang. Di ko na talaga maintindihan tapos nag rereview pa ako for boards.