Gagraduate na talaga ako!

Kakapasa ko lang kanina ng Clearance sa Registrar. I really can't believe this day kasi gagraduate na ko.. Last year, I was only imagining myself, and cried so much kasi di ako pumasa. Right now, parang ang surreal parin ng pangyayari.

My parents and siblings are happy, especially yung boyfriend ko. Everyone is congratulating me. We're already planning ahead sa graduation kahit malayo pa. Super worth it ng paghihirap ko for the last 6 months. I had to triple it para lang pumasa. Nagbunga ang paghihirap ko.

Sabi ng parents ko sakin ito lang mapapamana nila sakin na mapagtapos ako ng college, pilitin ko raw makatapos at huwag na gumaya sa kanila, kasi hindi na daw sila nakapag college ni Papa dahil kulang sa financial. 😩

Thank you Ma, Pa! Graduation, then board exam naman next. Thank you sa pagtitiwala po sakin! 🥹