BPO sahod ng less than 15K per month

M(27) Single living independently. Working ako sa Isang BPO bilang isang non-voice local account agent.

Naiinspired ako sa mga nababasa ko na 6 digits ang ipon kaya share lang ako hoping this might help.

Medyo buraot ata ako sa sarili ko, this is how I breakdown paano ako mag manage ng pera, give a tips din siguro.

Mag wowork to disiplina lang sa sarili. Not in particular order. Sharing lang po ako paano ako nakakatipid.

  1. Income - Savings = Expenses (simple dba?) kaso need Yan nang malalang disiplina best.
  2. Listed down kung ano ano ang mga expenses mo na must na pag gagastusan like pamasahe pag kain.
  3. Buying my grocery sa malapit na RCS sa bayan namin or kayo like mga local grocery sainyo na Hindi famous ang pangalan pede Osave Basta not branded ung grocery, not prefer SM/Puregold dahil mataas ang markup ng mga items nila.
  4. Buying my own rice like kahit 45-50 pesos per kilo.
  5. Wag papadala sa mga shopee/Lazada/tiktok sales if may gustong bilhin na item put them lang sa Cart mo then wait for 30-50 days then ask yourself kung may gustong bilhin maximize your shopee coupon.
  6. No vices - yosi vape alak.
  7. Always thinking yourself bago iba, like ito nakuha lesson ko sa kapatid ko(tulungan mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao, pag nasanayan nila magiging dependent sila sayo)
  8. Learn to say No lalo na kung hindi talaga kaya lalo na pag priority mo ang pag iipon
  9. Pag may nakuhang mga bonuses like 13th month, company incentives kung sa BPO kayo always put them lahat sa savings.
  10. Palengke is your friend pag gusto makatipid.

(No fastfood wag makisama sa mga ka work kung gusto nila lumabas like ganyan and inuman iwas ou medyo mahirap pero if may priority, and alam mo objectives bat ka nag work do it, nandun ka para mag trabaho at mag ipon.) but Ako experience then bounce na look for other BPO na mas maganda offer 🙂

Ganito po expenses ko. 80- foods (work)

88- transpo

168 - per day x 10 = 1680

Grocery and rice

6 kilos x 45 = 270 Eggs = 250 Grocery - 800 Data - 450 (must to sakin dahil taong bahay pag off 😅) Rent 1500. Pagkain ni Doggo - 30 x 4 = 120 Utilities electric bill and water, butane gas = less 300 bakit mababa ilaw at tubig charger tapos ung de USB type lang na electric fan ang gamit mas makakatipid kesa bumili ng literal na electric fan 🙂, tapos sa tubig dahil mag Isa lang nasa 168 lang halos bill ko per month sa tubig meanwhile sa kuryente less than 100 pesos.

Butane ko Naman per month 75 x 4 = 300 So in total living alone eto po lahat ng nagagastos ko every month

Personal expenses - 1890 (not included ung rent and utilities) + 1680 - (from work) Total - 3570 x 2 = 7140 + 1500 (rent) + 568 (utilities) = 9208

Ganito po ung breakdown ng sahod ko 🙂 dahil sa Company Namin every 10 days ang sahod.

14988 (sahod) per month - 1200 (government kaltas) = 13788.

13788 - 9208 = 4580 eto po ung natitira if ibase sa calculation. Pero mas nakakatipid pako like 5000 - 5500 every month.

If ibase sa percentage income ratio 4580/13788 = 33% ng income napupunta sa savings

If ibase ko sa actual na pag budget ko case to case basis Kasi every cut off ko talaga nag aside Nako ng 2500 kaya 5k per month

Which eto ung percentage income ratio 5000/13788 = .36 x 100% = 36%

Disiplina ang pinaka importante sa pag iipon maliit man pag gusto talaga makakaipon.

Ou mababa sa iba but small wins still a wins 🙂.

D ko akila na ung sa foods ko may can goods, Pansit Canton, itlog at Lucky Me, kahit ganyan Yan pinipilit ko parin mag luto na may gulay at Kumain ng prutas like saging at oranges may vitamins din Ako na tinetake, laging gisang may bawang at sibuyas din ung mga niluluto ko at bumabawi din sa work carenderia.

Planning ko ding umalis sa company ko looking pa nang mas magandang compensation, nag eenjoy Ako sa local account kaso given my aged need na din talaga mag ipon kaya need lumipat (drama eme)

If palarin sa ibang company still same disiplina parin, planning go get at least 25k plus sa next na BPO para mas mataas na allocation ko for foods and planning to get insurance (NOT VUL).

Mag adjust din ang expenses ko pag nakalipat but always priority ko parin ung 30-40% na ipon. Pero pag malaki na income mas tataasan ko pa ang ipon.

May mga tanong din siguro kayo like paano, if may gala with barkada or may date saan naka allocate ung budget - bonus from incentives may 1500 per month, budget ko yan if may sudden gala or date. (Hindi ko na sinama sa calculation ko yan dahil mostly bagsak nyan savings)

Hope this might help sa mga ibang silent reader din dito if may gusto kayong idagdag at gustong itanong free to ask po 🙂.

Update: Thank you po sa mga nag PPM Sakin and Happy to share kung paano ko na budget ang 15k and may naiipon pa rin. 😁