Life when I chose to deactivate my FB
Last year, the day after the board exam, dineactivate ko ang Facebook ko and even deleted my profile picture, until now. And to be honest, it felt good. No noise, no rush. Mas makakapag focus ka sa sarili mo. During that time, marami akong na realize sa sarili ko at sa mga relationships na meron ako. Una, kailangan ko nang pagtuunan ng pansin ang sarili ko. Never na mag co compare sa iba. Iba-iba ang paths na nilalakaran ng bawat isa. May mga pagkakataong nauuna o nahuhuli, and that is okay. Ang importante, may growth. Pangalawa, kung need ko man na patunayan ang sarili ko, gagawin ko yun para sa akin, at hindi para sa mga person na nagmamarunong. Pangatlo, may gawin ka man o wala, palaging may masasabi ang tao. So just stay composed. Act in silence and let your achievements surprise them. Pang-apat, malalaman mo kung sino lang ang may pake sayo when you're offline. Last time, I celebrated my birthday. Apart from my family, isa lang na friend ang bumati sa akin. Yung isa, bumati naman pero after a month na hahaha. November 13 tas bumati siya sakin December 30 amp. Ginawang Rizal Day eh 😭. Kaya always choose quality over quantity in friendships.