Saan ba lulugar sa ganito?

Problem/Goal:

Paano ba ihandle yung yung ganitong ugali ng partner ko?

Kapag tanong ako ng tanong or gusto ko lang ng reassurance regarding something, ang kulit-kulit ko daw, nakakainis, paulit-ulit.

Kapag tumahimik naman ako, tatanungin kung bakit ako tahimik, pero once na mag-open up ako, maiinis siya. Maiinvalidate lang yung feelings ko.

Sa isang paragraph na sasabihin ko, may isang salita or trigger word lang na di niya magustuhan bigla na kong di kakausapin.

Feeling niya lagi ko siyang inaatake pero I’m just trying to communicate everything lang naman para walang misunderstanding.

I’m trying to be more understanding pa pero minsan nakakabaliw na di ko na alam yung gagawin or sasabihin ko kasi palaging mali. Please help.