Sleepwalk ba yun o may iba pa siyang sakit?

Problem/Goal: The tittle says it all

Context: My husband and i had a fight yesterday, hindi naman siya malala to the point na mahihiwalay kmi.

Nainis lang cya sakin and pumasok sa work nang di nagpapaalam sa kanya.

Nang nasa work nako nagchat cya na galit and diko na pinatulan.

After 10 mins, naiisipan ko mag check nang cctv sa kwarto kung gising naba baby namin. And nakita ko cya na tulala at maya maya pumunta cya gilid habang nagtatakip nang taenga.

Diko pinansin yun akala ko wala lang yun. So kinclose ko na ang app.

After 20 minutes ata naisipan ko na naman tingnan ewan ko ba. So nakita ko naman natutulog ang baby ko pero wla cya.

So nirewind ko ang videos, and umalis pala cya nang bahay, dala ang Id at beepcard. So nagtaka ako bakit iniwan nya phone nya pero Id nya dala nya. And di naman ganun kagrabe ang pag aaway namin para umalis cya nang bahay.

After an hour di parin cya bumabalik so chineck ko yung beep card nya, based sa amount nang na less dun, naisip ko na baka nasa company cya. Baka doon natulog sa sleeping quarter. Knowing na may baby kmi at di cya nakakatulog nang maayos kase maingay nga ang bata.

Cguro 4 hours cya doon saka cya umuwe, at pag uwe nya natulog ulit. so inask ko MIL, kung saan pumunta. Sabi nya inaask din daw nya di sumasagot. Kahit nung pag alis nga di rin sumasagot.

So pag uwe ko, diko cya ginising or inask kung anu, nung magising cya kumakain ako sa kusina, inaya ko cya kumain pero deritso lang cya sa cr.

Pag balik nya galing cr, deritso sya sakin umiiyak, take note guys sa tagal namin mag jowa this is the 2nd time na nakita ko cyang umiiyak.

Una nyang sinabi ay Natatakot daw cya, ang kasunod diko na maintindhan kase mas malakas yung hagulgol nya.

Pinaiyak ko muna cya nang pinaiyak bago inask ulit.

Sabi nya: Natatakot daw cya kase wala daw cyang matandaan na umalis cya nang bahay, nagising nalang daw cya na ginigising cya nang guard sa sleeping quarter nila, 3 times na daw cyang ginigising pero di daw cya magising eh magkoclose na ung sleeping quarters. Ang tanging natatandaan nya lang eh yung parang may tumonog sa taenga nya sa subrang lakas. May natatandaan cya na paunti unti pero parang panaginip daw. Bago daw kase cya matulog ang nasa isip nya di na naman cya makakatulog nang maayos kase ang inggay nga nang bata. Tapus naiisip nya na cguro daw mas makakatulog cya sa sleeping quarter nila.

So ginawa namin, chineck namin ang cctv ulit, and nakita namin na bago cya umalis almost 15 mins cyang nakatulala ni hindi nga nya maalala na pumasok ang mama nya sa kwarto.

And sabi ko baka yung nagtatakip cya nang taenga yun na yung may narinig cyang sound.

Previous attempts: Nothing diko alam gagawin ko.