Lowballer na clients 🥲

Thoughts?

Ako lang ba naiinis kapag nakakakita ako ng ganitong job posting? Alam ko namang mahirap makahanap ng clients sa panahon ngayon pero please 'wag naman po kayo papatol sa ganitong kababa na offer. Nakakafrustrate at naaawa ako sa'ting mga pinoy. Parang ang baba ng tingin nila sa quality ng work na kaya nating ibigay. Hindi ko rin naman masisi kung may kumakagat pa rin lalo kung newbies kaso itaas naman natin kahit kaunti kasi habang may pumapatos sa mga ganitong rate, hindi mauubos ang mga buraot na client kagaya nito. Nakakainsulto sa mga nagsikap at nag-aral ng ilang taon. Kahit pa part time lang, hindi sapat 'yan para sa talents, skills, and experience na inooffer niyo.