Ang hirap pala pumili ng strand.
Incoming SHS student here, currently gr10. Nakakastress mag-isip kung STEM ba ang kukunin ko or HUMMS. To be subjective, HUMMS talaga ang gusto ko, planado ko na rin na mag BA Psyc sa college. Pero, jobwise (and with the constant nagging ng family members ko na mag STEM ako), ito raw dapat Kong kunin dahil sa dami ng opportunities sa trabaho.
Hindi ako magaling sa math, I'll be honest. Lagi Kong nakikita sa tiktok na Pag nag stem ka and mahina ka sa math, you're digging your own grave. Mas magaling ako sa explanation, writing, at tsaka interest ko na talaga ang psychology ng ilang taon pa. Wala rin naman ako maisagot sa parents ko kung anong makukuha Kong trabaho other than HR at Psychiatrist. Wala rin akong maisip sa STEM kung anong trabaho kukunin. Hindi ko Alam kung anong gagawin ko, sobrang stress nako kaiisip :(