Give me lies para hindi magpa-print sakin classmates ko

Bigyan niyo ako ng mga lies para hindi na magpa-print sa‘kin mga classmates ko. Nagsesend kasi sila ng madaling araw na tapos minsan ako pa ang mag-eedit and ang aarte pa kapag hindi na meet yung gusto nilang edit, mga hindi rin nagbabayad on time. Kung hindi pa sila sisingilin, hindi talaga nagbibigay.

I keep on telling them na "ubos na yung ink ng printer namin" pero kapag nakikita nilang printed yung output ko, kukulitin ako. Kapag naman sinabi ko na "sa friend ko lang ako nagpa-print" mangungulit naman sakin kung pwede sila rin ipa-print ko.

Nakaka-umay na sa totoo lang, ilang beses na akong natanggi pero mga naghahanap talaga ng butas at paraan. Hindi rin effective sa kanila yung isa ko pang script na "sira na printer namin" dahil nga laging printed mga pinapasa kong essays.

Give me lies, please. Tia.